Tuesday, September 6, 2022

Poetry: PATUNGO SA BUKAS NA WALANG KASIGURUHAN

 Medyo naging busy ang inyong lingkod kung kaya ito na malamang ang huling alay ko ngayong taon para sa Buwan ng Wika. =)


PATUNGO SA BUKAS NA WALANG KASIGURUHAN

Natatakot ako.
Yan ang totoo.
Wala na naman akong trabaho
Paano ba naman ito?

Mundo ay biglang nagbago.
Nang dahil sa munting organismo
na ang lahat ay di sinasanto.
Si Juan, Si Pedro, at pati na si Pablo ay tinalo.

Lahat ay binawalang lumabas.
Ginamitan pa nila ng dahas.
Kung kailan kailangan kumita,
saka pa walang mahihita!

Paano na ang bukas?
Sa ayuda na lang ba kami kukuha ng lakas?
Kaunting ipon ay di din sapat.
Saglit lang na gastos ang katapat.

Puro na lang masama ang balita..
Mga nawalan ng trabaho at nabawasan ng kita.
Marami na din ang pumanaw dahil sa sakit.
Bumigay na lang din kaya kami sa kanilang pang-aakit?

Kanino ba ako dudulog bukas?
Anong drama kaya ang aking ipapamalas?
May makakarinig ba sa kalam ng aking sikmura
at sa kabog ng aking dibdib na dala ng kaba?

Pipikit na lamang at magdadasal.
Ama, may mali ba sa aking inasal?
Ano pa ba ang kulang sa aking panalangin?
Upang ang aking hinaing ay Iyong dinggin?

Tungo sa bukas na walang kasiguruhan..
Isusugal ang lahat pati kinabukasan.
Bahala na basta sige lang.
Lalakad ako sa dulo ng walang hanggan.

No comments:

Post a Comment