Sunday, September 9, 2012

Buwan ng Wika 2012 celebration

Last August 31 I sort of decided to challenge myself.. It was the last day of the Buwan ng Wika and so I decided that for that day, I will try my best to post my thoughts in Filipino. I did this in Tipid PC forums and I informed my friends beforehand that I will be doing so there.

Many of them gamely followed suit! It was really funny to see them try their darndest just to keep up! Ahahaha! Many of the poetry I posted were to poke fun at the thread regulars as well as to flex my Filipino skills. And without further ado, here are the poems I posted:

SI KASAMANG JUN

Si kasamang Jun na nasa ibang bansa
Dito man o doon ay gayon pa rin ang pagnanasa.
Ang makamit ang hinahanap na kaligayahan
sa piling ng magagandang kababaihan.

At gayon nga at nainggit ang kanyang katoto na si Alexis.
Dahil napuna nya na patay na patay sila sa Adonis.
Sambit niya: "Damuho kang Jun Bulusan ka
Bahagian mo naman ako ng kahit isa!"

Sila ay nagkasundo na ang mundo ay paghatiin.
Diyan ka, dito ako, silang lahat ay atin!
Gayon na nga ang naganap sa tipisi
Pahabaan nga lamang sila ng pisi.

Kaya ngayon ang mundo ay tahimik
Sapagkat silang dalawa ay gumigimik.
Kay sarap maging manonood dito.
Puede dito kahit sino.

Ngunit ngayon ay may mga bagong salta
Nainggit sa masaganang biyaya nung dalawa..
Aba, kami rin ay inyong isali!
Hindi na kami mapakali!

Ang buhay nga naman dito sa tipisi,
Ang mga Troll ang laging nakangisi.
Kaya mga katoto, ating abangan
Itong palabas na walang pakundangan!
That one was written to poke fun at Mr. Jun Bulusan who is currently in the USA..  The next one is sort of a who's who..

ATING HULAAN..
Nasaan ka o dilag ko?
Tanong ng isang binatang naluluha.
Ano naman at ayaw ko sa iyo!
Isa ka lamang hamak na dukha!


Ito ang naging usapan ng isang tagahanga
at ng kanyang nililiyag na si Kristin.
Ang lahat ay napanganga
Ano kaya ang susunod na sasambitin?

Ngunit taliwas sa inaasahan ng lahat,
Ang dilag ay dagling tumalilis at iniwan ang entablado.
Ang naiwang lalaki ay pinagbabato ng bulok na duhat
Pati ba naman dito, lahat talo-talo?

Isa na namang maligayang eksena ang inyong napanood
ng ating sarsuela na hitik sa kapupulutang aral.
Ang lahat ng silid at sinulid ay sinusuyod
upang makita ang tunay na Pilipinong asal.

Ahahahahaha.  The next one is to poke fun at a thread member who recently broke up with her BF..  Sad really..

ANG AWIT NG MUNTING IBON

May munting ibon na ubod ng ganda.
Ang kanyang ganda na hindi lingid sa iba.
Ang mundo ay nabibighani sa kanyang awit
Tila ba sila ay na-batobalani sa kanyang bawat sambit.

Ang ibon na ito ay walang may-ari.
Siya ay lumilipad at dumadapo kahit saan maaari.
Kung kaya ang sangkatauhan ay nagnasa
na ang kanyang buhay ay kanilang mausisa.

O kaygandang pagmasdan at pakinggan!
Ang kanyang anino pa lamang ay nagdudulot na ng kaligayahan!
Dumito ka naman at kami ay aliwin..
Ang aming mga buhay, iyong pagyamanin..


At gayon nga at marami ang nasiyahan
sa kanyang kabutihan na mula sa kaibuturan.
Ngunit hindi lahat ay natuwa..
Sa halip sila ay nagnasa..

Nararapat lamang na ang isang ganyan ay nasa aking poder!
Tila isang dibuho na ipagmamayabang sa pader.
Ngunit ang ibon ay lubhang mailap sa kanila.
Sapagkat di nila batid na ang ibon ay may mahal na iba.

Minsan ang awit ng ibon ay naging malungkot.
Puno ng pighati at kwento ng isang taong buktot.
Ang buong mundo ay nagluksa sa kanyang kalungkutan
Nasaan nga ba ang hinahanap na kasagutan?

Ang karugtong ng kwentong ito ay hindi pa naisusulat.
Sapagkat ang lahat ay hindi pa naisisiwalat.
Sana sa pag-inog ng mundo ay ating matunghayan pa
ang awit ng munting ibon na ubod ng ganda.

The next one is to describe one of the thread regulars who happens to be a bit on the heavy side..

SI BARNEY NAMASYAL

Itong si Barney ay paborito ng mga bata.
Sa telebisyon siya ay isa lamang katha.
Ngunit sa totoo, siya ay naririto.
Hindi siya dino, siya ay tunay na tao.

Ang buhay nya ay puno ng kulay.
Parang bahay kubo na napapaligiran ng gulay.
At tulad ng sa katha, siya ay mahal ng lahat.
Sapagka't sariling bangko nya, di nya binubuhat.

Kaya't kahit saan man siya dumayo
Ang lahat ay kanyang karantso.
Ikaw ba kaibigan,
Siya ba ay iyo nang nasilayan?

Masarap siyang yakapin
Huwag mo nga lang pilitin..
At huwag na huwag mo siyang tanungin
Kung siya ba ay "Marrying a virgin?"

Kapag siya ay nakita mo kaibigan
batiin mo naman siya para sa amin.
Kahit kelan, kahit saan
jheyzLhang ang pangalan na banggitin!

The next one is my tribute to the broken hearted..

Sa simula pa lamang ay sasabihin ko na..
Ako ay sawi sa pag-ibig.
Walang nagmamahal sa akin ngayon.
Isa lang ako sa aking piling.

Ang buhay ko ngayon ay malungkot.
Kulang sa ngiti at lingap na pinapangarap.
O Diyos ko, saan ako nagkamali?

Sana bukas ay may liwanag na..
Ayaw ko na ng ganitong puro kalungkutan.

Paano ko ba siya malilimutan?
Ano ba ang dapat kong gawin?
Gaano ba ako kahalaga sa kanya?
Iniisip ko lang ba na mahal din niya ako?
Bakit ba parati na lang ganito ang nangyayari sa akin?
Isang araw ay makikita ko rin siya..
Gusto ko pa rin kasing lumigaya!

The next one was to poke fun at another of the thread regulars..

MAY ISANG BABAENG MATARAY

May isang babaeng mataray
sa siyudad ng mga matitibay.
Si Tariray daw siya kung tawagin,
ngunit busilak naman ang kanyang saloobin.

Ngayon itong si mataray na Tariray,
may kras na guapong ginoo.
Sa lalaking ito patay na patay
pero iba yata ang gusto!

Silang dalawa kung magbatian sa opisina
ay wagas na magkaibigan ang turingan.
Ngunit di batid kung ano na nga ba
sa kanilang dalawa ang mamamagitan.

Minsan isang araw si lalaki ay wala.
computer nya ay sinilip na bigla.
Litrato ng ibang dilag ang nakatago pala doon
puso ni Tariray nadurog sa gayon.

Ngayon tuloy si mataray ay mataray na talaga.
Pagka't di pala siya ang sikreto ni kras.
Hanapin na lang sa Scrabble ni dalaga
pag-ibig na kimkim doon lang nailalabas.

Sayang ang ganda ng atin pong bida
kung ang kwento niya ay dito na lang magtatapos.
Balang araw makikita din niya
ang lalaking magmamahal sa kanya ng taos.
And another one to poke fun at a LDR couple slated to get married in December..

SI TARZAN AT SI MARYJANE

Si Tarzan ay isang batang laking gubat.
Lahat doon ay kanyang kaibigan na matapat.
At ang batas sa gubat ay kanyang inilalarawan
sa kanyang mga kilos na talagang ungguyan.

Si MaryJane na laking barrio
ay dalagang Pilipina sa mata ng lahat.
Ngunit ang di alam ng mga dayo
siya pala ay tigre na tupa ang balat!

Itong si Tarzan ay mahilig maglaro ng apoy
sarili nyang katawan ay nasunog niya tuloy.
Sa kakasalat niya ng tahong na di natutulog
gantimpala nya kay Jane ay buong katawan na bugbog.

Buong alam ni MaryJane si Tarzan ay nagbago na
ngunit hanggang ngayon ay naglalaro pa rin pala.
Lintik kang payat ka nag-uusap pa tayo!
Tahong ba o perlas, alin ang gusto mo?!


Nagtawanan ang mga matsing sa lahat ng naganap
pagka't si Tarzan ngayon ay umamo sa isang iglap.
Hawak pala ni MaryJane ang kanyang mga alas
Mahal ko si Jane! kanya itong bulalas.

Kamay sa baywang si MaryJane ay nagmamasid
mula sa malayong ibayo kung merong sumisisid.
Last chance na natin to boi! kanyang nasambit
Ngayon pa ba tayo sa huli sasabit?

Simula pa lang ng bagong kabanata
ng kwentong ito na nagsimula sa panata.
Till death do you part? ang tanong nga ng pari
Puso ni Tarzan sino ba talaga ang may-ari?!
And finally, a piece I wrote to pay homage to my fellow kababayans in the Marikina TPC thread..

DITO SA AMING BAYAN

Kami ay Marikenyo kung tawagin.
Mga lalaking matipuno at habulin.
Habulin ng alin?
Aba, itanong mo na lang sa hangin.

Lahat kami dito ay nagtutulungan,
sa abot ng aming makakayanan.
Kapwa namin at bisita ay parehas,
pagtanggap namin ay sing-tamis ng premyadong ubas.

Malinis ang aming siyudad na kilala sa sapatos.
Kung mamamasyal, di kailangang gumastos.
Lahat ng uri, mula sa mayaman hanggang sa naghihikahos
Sa mata ng munisipyo, tila patas na halos.

Dito sa aming bayan mayroon kaming mga idolo
Sina General, Kuya Benj, at Kuya Celso.
Silang tatlo ay pawang mga nangunguna
sa lahat ng bagay, pati na sa paglalaba.

Halina kayo mga kasama,
Tumindig na kayo sa inyong mga kama.
Ang araw natin ay nagsisimula pa lamang
Magkikita tayo dito sa tipisi, malamang!

Ooooh yeah!  I really had a lot of fun that day!  Ahahahahaha!  And I wasn't alone in all this!  Some of the other thread regulars joined in by writing their own poems as well!  I can't really share their work especially since this blog is all about my shit.  I hope you had fun reading as much as I had fun sharing!


No comments:

Post a Comment