Sunday, May 26, 2013

SI DIWATA

At dahil may hangover ako at masakit ang ulo ko ngayon.. Tinopak na naman ako..


SI DIWATA

Mayroon akong isang kakilala..
Siya daw ay isang diwata.
Ngunit sa katunayan siya at tao lamang
na hinahanap ang kanyang katuwang.

Marami na siyang karanasan sa buhay.
Na kung ating ipipinta ay ubod ng makulay.
Ngunit ang kanyang pinaka-ligaya
ay ang supling nyang magaganda.

Bigo sa buhay na may singsing..
siya ngayon ay tila lasing.
Hindi mo alam kung paparito o paparoon
sa kakahanap ng ganon.

Mga burdang tinta sa kanyang balat
ay mga alaala nya lahat.
At para hindi nya malimot sila
silang mga nakasama nya sa pila.

Magulo parati ang kanyang isip
hindi nya alam kung kanino siya lalapit.
Kung sa daang maluwag o sa daang masikip
bahala na basta nakakapit.

Maligaya ka ba aking kaibigan?
Sa iyong paghahanap ng ano man?
Paglingap na iyong hangad mula kay Adan
ay makikita mo lamang sa iyong kaibuturan.

Lumipad ka at huwag kang lumingon.
Kung saan ka man makararating,
malalaman mo lamang kapag ikaw na ay nandon.
Mag-ingat ka lang sa mga pating.

Ahahahahhaha.  I hate this day..

No comments:

Post a Comment