BARTOLINA
Halika na dito kosa.
Pasok ka lang at humanap ng puwesto.
Kalilinis lang nito kanina.
Tuloy ka dito sa iyong bagong kuwarto.
Di na mahalaga kung bakit ka naririto.
Basta tumahimik ka na lang at umupo.
Magpaliwanag ka man ay di na mahalaga.
Dahil ang sintensya mo ay ibinaba na.
Walang bintana at lalong walang ginhawa,
bagay sa iyo yan dahil di mo naman alintana.
Sana pagbalik ko para ikaw ay sunduin,
malambot ka na at puede nang lutuin.
Pinto ay pinid at walang madidinig.
Kadiliman at katahimikan lamang ang iyong kapiling.
Mga lamok at ipis lamang ang iyong kaniig
diyan sa iyong kuwarto na iyong hiniling.
Hamo at papasyalan pa naman kita.
Pagkain at tubig makaisa sa kada araw ay dala.
Magnilay-nilay ka na lang muna
diyan sa bagong buhay mo sa bartolina.
Tuesday, November 24, 2015
POETRY: Bartolina
Labels:
poetry
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment