Agosto 29, 2013
MAYABANG NA GUROIsinulat ko ang isang ito bilang pagbabahagi para sa mga bisita sa aming sinulid. Ninais ko na iparating sa mga mambabasa na ang mga pinuno doon na nagbabahagi ng kanilang payo ay mga karaniwang tao din na may mga kwento ng kasawian. Mga dati din silang sawi na nagawa nang tumayong muli at ngayon ay gumagabay sa mga tao na lugmok sa lungkot at kawalan ng direksyon sa buhay.
Isang araw sa silid na ito
mayroong bagong salta.
Kwento ng kanyang buhay ay parang mito
masalimuot, mahaba, maraming salita.
Ang lahat ay kagyat na sumubaybay
ganito ba talaga ang buhay?
At nang ang kwento nya ay natapos,
kanyang lumbay sa puso mo ay tagos.
Ang lahat ay nagbigay ng kuro-kuro
pinaghalong kalokohan at mga payo.
At kapag ang mga sambit ay mula sa pusong maitim,
sugat sa puso ay lalo lamang lumalalim.
Ang buhay ng mga sawi ay tila isang komedya
para sa ilan na tila nakalaya na.
Kanilang mga saloobin ay pawang kayabangan
walang emosyon, tila di pakikinabangan.
Masakit man sila magsalita sa kapwa
ito lamang ay dahil silay's sawi din.
Bato na ang kanilang puso nang dahil sa dalita.
At para sa ilan, ito ay kayabangan pa rin.
Mga hambog na guro ng buhay.
Sila ba ay dapat nating pakinggan?
Iyong pag-isipan kaibigan
at huwag lagyan ng bahid o kulay.
At sa muling pag-inog ng mundo,
sana sila ay makilala ninyo ng totoo.
Ang kanilang mga kwento nawa'y maulingan nyo
na sila'y kagaya nyo - mga hamak na tao.
SI TARZAN AT SI MARYJANE (Karugtong)Kung nabasa nyo yung mga tula na aking isinulat nung nagdaang taon, ito ay karugtong noong isang isinulat ko noon na tula ukol kina Alexis at MaryJane na ngayon ay mag-asawa na. Hindi ko na ipaliliwanag pa kung ano ang mga nangyari dahil nasa loob na po ng tula ang kwento ng mga naganap sa kanila nitong mga nagdaang buwan.
Isang taon makalipas ng gulo sa kanilang pagsasama
si Tarzan at Maryjane ngayon ay mag-asawa na.
Matapos ang masalimuot na proseso ng kanilang kasal,
kalbaryo nila singhaba ng rosaryong idinadasal.
Ani Jane - sa wakas ay panatag na ako
sa akin na ngayon ang kanyang pangako.
Kami ngayon ay lilipad tungo sa disyerto
kung saan naroroon ang pagkakataon na umasenso!
Si Tarzan naman ay di naging tapat sa kanyang sinabi.
Di pa siya handa sa buhay na may asawa.
Kaya't siya'y umuwi sa probinsya para mag-hapihapi.
Bahala ka na muna Jane at hindi pa ako sawa.
Sa dami ng dahilan na kanyang narinig
itong si Jane ay naiyak na lamang sa kanyang unan.
At kahit pilit nyang intindihin ang kabilang panig
wala nang kwenta pagka't siya's nasa ibang lunan.
Nang maubos ang kwarta si Tarzan ay gumayak na.
Antayin mo ako Jane, ako'y pariyan na!
Palibhasa tigang na at naubusan na ng palusot
si Tarzan ngayon lumipad para ayusin ang gusot.
Pagdating ni Tarzan si Jane ay tila nabuhayan..
kanyang kabiyak tumupad din sa usapan!
At sa kanilang unang gabi sa bansang disyerto
sa ilalim ng kumot sila ay maliksi at eksperto.
Ito pa namang si Tarzan ay magaling sa iyot.
Kahit pa ang kanyang kaselanan ay maliit at dugyot.
Gabi-gabi sila ay magkapulupot
kumot lamang ang tanging saplot.
Di nga nagtagal ay nainip na si Jane sa asawa.
Pagka't ilang linggo na, trabaho ay wala pa.
Inom dito, kain doon, panay sama sa barkada.
Pagbalik sa kanilang kwarto ay laging umaga na.
Wala lang kay Tarzan ang lahat ng iyon.
Pagka't noon pa siya talaga ganon.
Kaya't nang siya ay tinamaan ng cellpon sa kanyang ulo,
dun na nagsimula ang panibagong gulo.
Nag-away na naman ang dalawa..
masasakit na salita at hampasan pa.
Buong bayan sa Pilipinas ay kanilang dinamay din
kanilang kinabukasan muntik nang mabinbin.
Maghihiwalay na nga ba ang ating mga bida?
Sa laki ng gulo na kanilang dinala
ang nagpalala?
Si Jane noon ay buntis na pala!
Hayop ka boi anlupit mo talaga!
sabay yakap ni Jane sa asawang payatot.
Sa piling ni Tarzan ewan kung ano ang napala.
Ngayon ang paghihiwalay tuloy ay naudlot.
Tawa na lang si Tarzan na ngayon ay magiging ama.
Buhay nga naman ay sadyang nakakatawa!
Bukas makalawa sa trabaho magsisimula na.
Ating bidang dugyot, parating masaya.
Ano nga ba ang nakaguhit sa kanilang kinabukasan?
Pati tuloy tayo ay damay sa kanilang kulitan!
Bahala ka na kaibigan kung sila'y huhusgahan.
Si Tarzan at MaryJane laging naririyan.
Ang isa pang tula na bahagi din ng mga tula ko para sa Buwan ng Wika na nauna ko nang isinulat ay yaong ukol kay Diwata. Hindi ko na yun inilathala sa TPC sapagkat sa aking palagay ay hindi na napapanahon pa na ipabasa doon.
Lubhang mas kakaunti ang mga tula na naisulat ko ngayong taon dahil na din malamang sa ako ay abala sa trabaho at hindi ako masyadong nagkaroon ng pagkakataon na sumulat ng mga tula ukol sa mga parukyano namin sa aming sinulid ng mga sawi. Dagdag na din dito ang katotohanang ang aking bisor ay parating nagmamasid sa aking mga ginagawa sa trabaho kaya minabuti ko din talaga na huwag na munang magbabad sa TPC.
Mayroon din pong mga nilikha ang aking mga kasama sa TPC. Pero dahil hindi po ako ang may-akda ng mga iyon, hindi ko po ninanais na ibahagi dito sa aking blog. Ahahahahahaha!
Paalam na po at magkita na lang po tayo sa muli po nating pagdiriwang ng Buwan ng Wika!
No comments:
Post a Comment