06 NOV 2001
SANA HINDI NA LANG KITA MINAHAL
Sana hindi na lang kita minahal.
Hindi na sana tayo nagkaganito.
Para ano pa magmahal kung magkakahiwalay?
Bakit ganito ang pag-ibig?
Isang napakagandang simula
na mauuwi rin pala sa wala.
At kahit gaano pa man kaganda ang pagsasama,
balewala rin pagdating sa Kanya.
Mundo man namin ay magkaiba,
pilit ko pa ring sinunod ang tawag ng puso.
At sa unti-unting paglitaw ng problema,
isip sa kalauna'y nangunguna.
Kayraming dahilan para itigil na;
Pag-ibig sa puso'y bulag pa rin sa nakikita.
Damdaming kay lakas ay di mapipigil,
ng kahit ninuman, liban sa Kanya.
Haay kaygulo ng kinalabasan.
Dahil sa kahinaan ng isa,
lahat ngayon ay wala na.
Kaya ngayon ako ay nag-iisa.
Sana hindi na lang kita minahal.
Sana isinara ko na lang ang puso ko.
Hindi na sana naging ganito.
Kay gulo.
I broke up with my lady love for various reasons: money, culture, and religion were the three main reasons why I decided to end it. I saw no future in it at all. Although we were physically compatible, everything else was a mess. A year later I would be in a relationship yet again.. But with the woman I truly love and wanted to marry.. The same person who will bring me the greatest joy is also the same person who will bring me the greatest pain..
No comments:
Post a Comment