14 JUNE 2000
SUGAL NG PAG-IBIGHindi ko na yata alam ang ginagawa ko.Ano ba naman itong pinasok ko?Sa una ay alam ko pa.Ngayon ay ewan ko na.Marami na ang naganap mula noon.Magmula nang inamin ko ang nadarama.Isang malaking sugal ng pag-ibig, naang alahat ay itinaya pati kaluluwa.Hindi na mahalaga kung manalo o matalo.Ang mahalaga ay nasabi at naipadama koSana sa kanyang puso ay tumimo nasiya lamang ang para sa akin.Marahil ay hangal ako.Kung ilang beses na ring nabigongunit heto pa rin ako.Nasira na yata ang ulo ko.Kamusta ka giliw?Naririto na naman ako.Sana's paunlakan mo ang kahilingan ko:ang mahalin ka ng tunay.Hindi na baleng ako'y di mo gusto.Basta alam mong mahal kita.Matalo man ako ay panalo pa rin.Ang umibig minsan ay sapat nang premyo.
Hmm.. Head over heels over the one I loved then.. I still like this one though..
No comments:
Post a Comment