Thursday, November 8, 2012

Post-College works... TORPE YATA AKO

MAY/10/1999


TORPE YATA AKO


Ganito na lang ba ako?
Tingin at buntong hininga
sa tuwing siya'y makikita.
Ewan.

Sa tuwing siya'y dumaraan,
puso ko'y sumisigla.
Para bang ako'y nakukuryente.
Kilig talaga.

Kapagka siya'y malapit na,
nauumid na akong tila.
Heto na naman ako...
Wari'y sa lupa napako.

Lahat tama sa ensayo
ngunit mali-mali sa totoo.
Sambitin sana ay memoryado,
kapag kaharap na ay palyado.

Torpe talaga ako.
Matapang sa pangarap,
mahina kapag kaharap.
Heto na naman ako...
Do I need to explain this one?  Ahahahahahahaha!  Looking back, I still find this one funny!

No comments:

Post a Comment